25,099  benepisyaryo na ang nakatanggap ng kanilang sweldo sa patuloy na payout ng DSWD Field Office 1 sa mga benepisyaryo ng Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation – Disaster Risk Reduction (RRP-CCAM-DRR) Cash-for-Work (CFW) sa Rehiyon Uno.

Ang bilang na ito ay mula sa mga probinsya ng Ilocos Sur at Pangasinan kung saan bawat beneficiary ay nakatanggap ng PhP3,720.00 kapalit ng 10 araw na pagtatrabaho sa mga aktibidad at proyekto laban sa epekto ng Climate Change.

Mayroong 5,349  ang mula sa Ilocos Sur, samantalang 19,750 naman ang mula sa probinsya ng Pangasinan.

Kabilang sa mga aktibidad at proyekto ang tree planting, mangrove planting, communal gardening, at flood control project.

Ang mga nasabing probinsya ay kabilang sa priority target ng Climate Change Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction  (CCAM-DRR) Cabinet Cluster na pinangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ang nasabing Cabinet Cluster ay nakatutok sa konserbasyon at proteksyon ng kalikasan maging ang pangangalaga sa likas na yaman.

Ang RRP-CCAM-DRR CFW ay isang programa ng Kagawaran na naglalayong magbigay ng pansamantalang trabaho na may kaugnayan sa pangangalaga sa kalikasan at palakasin ang adaptive capacities ng mga bulnerableng grupo at komunidad. (by: Henry J. Juyno, Information Officer II  – Disaster Response Management Division-Disaster Response and Rehabilitation Section)