Ama at Ina para sa mga Anak: Ang Kwento ng Katatagan ni Tatay Rex

“Araw-araw pagod, pero hindi ako susuko. Para sa aking mga anak, kakayanin ko ang lahat.” Ito ang mga salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Rex Ramos Pascua, isang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiary at solo parent mula sa Barangay Pasocian, Bacarra, Ilocos Norte, na walang pagod na nakikipagsapalaran upang maitaguyod ang kanyang apat continue reading : Ama at Ina para sa mga Anak: Ang Kwento ng Katatagan ni Tatay Rex

Dagdag Kaalaman para sa Kahandaan: LGU Laoac Nagbenchmark sa DSWD FO 1 Regional Warehouse

Hindi lamang nangunguna ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa paghahatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad, nagbibigay rin ito ng technical assistance (TA) sa mga lokal na pamahalaan upang mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyong nakatuon sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan. Bilang bahagi nito, continue reading : Dagdag Kaalaman para sa Kahandaan: LGU Laoac Nagbenchmark sa DSWD FO 1 Regional Warehouse

Sa Bawat Barya, May Pag-asa

“Nasaririt.”  Salitang iloko na nangangahulugang magaling o mabilis matuto. Kagaya ng pangalan ng isang grupo mula Brgy. Turod, Cabugao, Ilocos Sur, mabilis na natutuhan ng Turod Nasaririt Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) ang mga estratehiya upang mapalago ang kanilang General Merchandise kahit bago pa lamang sa pagnenegosyo. Sa pagbubukas ng oportunidad mula sa DSWD Field continue reading : Sa Bawat Barya, May Pag-asa

LGUs at Partner-Beneficiaries, Magkatuwang sa Pagpapanatili ng Project LAWA at BINHI Sites

Nai-turnover na sa 3,345 partner-beneficiaries ang 165 na proyekto sa 13 Lokal na Pamahalaang nagpatupad ng Risk Resiliency Program (RRP) – Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for Impoverished) ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 – Ilocos Region (DSWD FO 1). Ito ay continue reading : LGUs at Partner-Beneficiaries, Magkatuwang sa Pagpapanatili ng Project LAWA at BINHI Sites

Munting Palaisdaan na Nagpausbong sa Matatag na Samahan

Sa isang payapang bahagi ng Brgy. Cadiz, Umingan, Pangasinan, banayad na dumaloy ang bagong pag-asa para sa 25 miyembro ng Cadiz Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) na matiyagang nagtataguyod ng kanilang munting palaisdaan. Sa bawat araw ng paglusong nila sa kanilang palaisdaan, dala ng mga miyembro ang pag-asa na balang araw ay masusuklian ang lahat continue reading : Munting Palaisdaan na Nagpausbong sa Matatag na Samahan

SFP para sa 93,422 na mga Bata sa Rehiyon Uno, sisimulan na sa Hunyo

Ipapatupad na ngayong Hunyo ang 180 na araw na pagbibigay ng hot meals sa ilalim ng DSWD Supplementary Feeding Program (SFP) para sa 93,422 na mga batang mag-eenroll sa 3,590 na Child Development Centers (CDCs) at 21 na Supervised Neighborhood Play (SNP) na pinapatakbo ng mga Lokal na Pamahalaan sa Rehiyon Uno. Mula sa target continue reading : SFP para sa 93,422 na mga Bata sa Rehiyon Uno, sisimulan na sa Hunyo

3.9K Tsuper mula Ilocos Region, tumanggap ng Cash Relief Assistance mula sa DSWD FO 1

Bitbit ang pag-asang may maipandagdag sa araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga pamilya, nagtungo sa payout sites at matiyagang pumila ang mga tsuper mula sa apat na lalawigan ng rehiyon upang tanggapin ang tig-Php5,000.00 na Cash Relief Assistance mula sa DSWD Field Office 1 – Ilocos Region (DSWD FO 1). Sa aktibong pakikipagtulungan sa Land continue reading : 3.9K Tsuper mula Ilocos Region, tumanggap ng Cash Relief Assistance mula sa DSWD FO 1

138 HOTS sa Labor Day Job Fair 2026, Mabibigyan ng DSWD SLP Employment Assistance

Libo-libong aplikante ang nakilahok sa malawakang Labor Day Job Fair 2026 baon ang pag-asang makahanap ng trabahong magiging tulay nila para makapagsimulang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Ito ay inorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nilahukan din ng DSWD Field Office 1 – Ilocos Region (DSWD FO 1) sa pagdiriwang ng ika-124 na continue reading : 138 HOTS sa Labor Day Job Fair 2026, Mabibigyan ng DSWD SLP Employment Assistance