Magnitude 7.2 at tsunami ang tumama sa Region 1 dala ng paggalaw ng West Valley Fault.

Ito ang eksenang tinugunan ng DSWD Region 1 sa isinagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED). Ang mga Centers and Residential Care Facilities (CRCFs) na nasa Dagupan City, Pangasinan ang napiling magsasagawa ng kauna-unahangย  tsunami drill dahil malapit ito sa baybaying lugar.ย 

Ang pagsasanay ay tinatawag na preparedness activity upang mapataas ang kasanayan ng mga empleyado at kliyente sa maayos at mabilis na paglikas kapag may maganap na lindol at tsunami.

Matagumpay na naisagawa ang aktibidad sa tulong ng mga sumusunod: DSWD Central Office Program Management Bureauย  sa pangunguna ni Special Assistant to the Secretary for Disaster Response Management Maria Isabel Lanada, Field Office 1 Regional Director Marie Angela S. Gopalan, kinatawan mula sa Office of the Civil Defense (OCD) at City Disaster Risk Reduction Management Office ng Dagupan City.

Ang mga karanasan at obserbasyon sa naganap na drill ang magiging basehan sa pagbuo ng contingency manual para sa 76 na DSWD CRCF sa buong bansa.ย 

Patuloy namang pinapaalalahanan ang lahat na kung sakaling mayroong pagyanig ng lupa ay tandaan ang duck, cover, at hold na makakatulong sa kaligtasan. Pinakamahalagang iwasan ang mag-panic upang maiwasan ang mga aksidente o disgrasya.

Ang NSED ay nagsimula noong 2010 alinsunod sa Philippine DRRM Act of 2010 na pinapangunahan ng National Disaster Risk Reduction Management Council at ginaganap bawat kwarter o apat na beses sa isang taon. By: Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II – Disaster Response Management Division