Abot tenga na ngiti at pasasalamat ang ibinigay na sukli ng mga mamamayan ng Ilocos Norte sa buong pusong paghahatid ng libreng medikal na laboratoryo, konsultasyon, at gamot sa pamamagitan ng LAB for ALL na proyekto ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos. Ang aktibidad na ito noong ika-12 ng Setyembre 2023 sa Centennial Arena, Laoag City, Ilocos Norte ay dinaluhan ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa pangunguna ni Regional Director Marie Angela S. Gopalan kung saan ang ahensya ay namigay ng tulong pinansyal at Family Food Packs (FFPs).

Nakatanggap ang mag-asawang Domingo ng Php2,000.00 at FFP bawat isa.
Larawan: Jesslyn Keith B. Valite, Information Officer I – SMU

Dinagsa ng 1,500 na residente ng Ilocos Norte ang nasabing caravan.

“Mayat daytoy, agsipud ta narigat ti panagbiag ket daytoy naited a cash ken ayuda ket dakkel a tulong para kadakami nga agasawa (Mainam ito dahil mahirap ang buhay at itong mga ibinigay na tulong pinansyal at pagkain ay malaking tulong para sa aming mag-asawa),” saad ni Maria Teresa Domingo na isa sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at nakatanggap ng FFP.

Dakkel a tulong datoy tapno adda pagnayon ti pagpabalon kadagiti annakmi nga agbasbasa (Malaking tulong ito na pandagdag sa baon ng mga anak naming nag-aaral),” dagdag pa niya.

Talaga namang buong puso ang serbisyo ng kagawaran at hangad na lahat ay mapamahagian. (by: Anjhannel R. Tagle, Information  Officer I – Social Marketing Unit)