27 HULYO | Inutos ni DSWD Field Office 1 (FO 1) Regional Director Marie Angela S. Gopalan ang FO 1 Incident Management Team na patuloy na makipag-ugnayan sa mga apektadong local government units (LGUs) ng kanilang mga pangangailangan sa pananalasa ng Super Typhoon Egay.

Bagamat binaha ang Regional Warehouse sa Laoag City, Ilocos Norte, sa huling datos ay nakapamahagi parin ng 14,129 na relief na nagkakahalaga ng PhP10,278,627.72 sa mga apektadong pamilya at indibidwal sa buong Rehiyon Uno.

Samantala, sa huling datos ay mayroon nang 10,841 families na naapektuhan ng hagupit ng bagyong Egay na may 41,319 na indibidwal. Batay sa pinakahuling tala, ang lalawigan ng Ilocos Sur ang may pinakamaraming request ng augmentation dahil ito sa biglang pagtaas ng tubig sa nasabing probinsya kung saan maraming lugar ang nalubog sa baha na nagresulta sa mataas na bilang ng apektadong pamilya at indibidwal.

โ€œWe are closely coordinating sa ating local social welfare officers at mayroon po tayong request mula sa local government units at sa provincial government offices at patuloy ang assessment ng mga dumarating pang request ng Food at Non-Food Itemsโ€, ani Director Marie Angela S. Gopalan.

74,791 Family Food Packs (FFPs), 28,978 Non-Food Items (NFIs), at 736 6-liter bottled drinking water ang kabuuang bilang ng naka-imbak na Food at Non-Food Items sa 20 na DSWD FO 1 Regional at Satellite Warehouses na handang ipadala sa LGUs na maaapektuhan ng bagyo sa Rehiyon Uno at sa karatig rehiyon.

Sa tulong ng Regional Risk Reduction Management Council 1 member-agencies ay tuloy-tuloy pa rin ang deliveries ng FNFIs na request ng mga apektadong LGU. by Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II โ€“ Disaster Response Management Division