Main Album » “Ako ay isang tunay na lingkod bayan, mahal ko ang aking bayan, at ipapakita ko ito sa pamamagitan ng bayanihan.” Ito ang katagang nais iparating ng mga manggagawa ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad dito sa Rehiyon Uno. Wala sa posisyon o estado ng trabaho ang pagtulong sa kapwa. Bilang katungkulan, asahan po ninyo ang aming Kagawaran na patuloy na magbibigay ng maagap at mapagkalingang serbisyo sa ating bayan at kapwa Pilipino sa kabila ng banta ng COVID-19.