Sa loob ng 18 na taon na pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), patuloy na naipakikita ng programa ang mahalagang papel nito sa pagpapalakas ng mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng suporta sa kalusugan, edukasyon, at kapakanan ng mga bata. Sa Ilocos Region, patuloy na naitataguyod ng DSWD Field Office 1 – Ilocos Region continue reading : 4Ps SINAG: 18 Taon ng Pagbibigay-Liwanag , Paglilingkod na May Puso
Maliit na Hakbang, Malaking Pagbabago: Elizabeth Parent Group
“Ang pagbabago ay hindi nangyayari nang biglaan; nagsisimula ito sa simpleng pagtutulungan ng bawat isa.” Sa Marcos, Ilocos Norte, ang Elizabeth Parent Group ay pinatotoo ang kasabihang ito. Mula sa mga simpleng mamamayan na dating nakatuon lamang sa araw-araw na pagsusumikap para sa pangangailangan ng kanilang pamilya, sila ngayon ay kinikilala bilang isa sa mga continue reading : Maliit na Hakbang, Malaking Pagbabago: Elizabeth Parent Group
Ama at Ina para sa mga Anak: Ang Kwento ng Katatagan ni Tatay Rex
“Araw-araw pagod, pero hindi ako susuko. Para sa aking mga anak, kakayanin ko ang lahat.” Ito ang mga salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Rex Ramos Pascua, isang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiary at solo parent mula sa Barangay Pasocian, Bacarra, Ilocos Norte, na walang pagod na nakikipagsapalaran upang maitaguyod ang kanyang apat continue reading : Ama at Ina para sa mga Anak: Ang Kwento ng Katatagan ni Tatay Rex
Record-High 4Ps LEPT Topnotchers sa Region 1, Bunga ng Patuloy na Suporta sa Edukasyon
Pinatunayan ng pitong (7) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa Region 1 na ang pamumuhunan ng Programa sa edukasyon ay may konkretong resulta. Ito ay mas lalong pinatotohanan matapos makapagtala ang DSWD Field Office 1 – Ilocos Region (DSWD FO 1) ng pinakamaraming bilang ng 4Ps topnotchers sa isang Licensure Examination mula sa resulta continue reading : Record-High 4Ps LEPT Topnotchers sa Region 1, Bunga ng Patuloy na Suporta sa Edukasyon
4Ps Level Up: Benepisyaryo Noon, ML na Kaagapay ng 4Ps Families Ngayon
Matagal na umikot ang buhay ng pamilya ni Marina Oriente sa isang tanong: “Saan kaya ulit kami kukuha ng panggastos bukas?” Mula sa Barangay Bigbiga, Sudipen, La Union, si Marina at kanyang asawa ay puno ng pangamba kung paano pagkakasyahin ang kakarampot na kita para sa pagkain, baon sa eskwela, at iba pang pangangailangan sa continue reading : 4Ps Level Up: Benepisyaryo Noon, ML na Kaagapay ng 4Ps Families Ngayon
Apat na Kamay: Ang Katatagan ng Isang Inang 4Ps
“Idi, duwa lang ti imak, ngem itan nagbalinen nga uppat (Dati, dalawa lang ang aking kamay, ngayon apat na.)” Ganito inilalarawan ni Michelle Padre ang buhay niya ngayon. Dahil bukod sa pagiging asawa at ina, kinakailangan na rin niyang maging lakas, sandigan, at mismong mga kamay ng kanyang buong pamilya. Ikatlo sa limang magkakapatid, lumaki continue reading : Apat na Kamay: Ang Katatagan ng Isang Inang 4Ps
Bayanihan SIM, Hatid ang Digital na Ginhawa sa 4Ps Families sa Region 1
“Malaking tulong ito dahil bawas na sa gastos [sa pagpapaload] at magagamit pa sa online class at research.” Ito ang ibinahagi ni Myrafe Rodriguez, isa sa mga tumanggap ng Bayanihan SIM cards mula Barangay Sibsibbu na isa sa pinakamalayong barangay sa San Emilio, Ilocos Sur. Ayon din sa kanya, nahihirapan sila sa online classes dahil continue reading : Bayanihan SIM, Hatid ang Digital na Ginhawa sa 4Ps Families sa Region 1
4Ps Noon, Top 2 sa Pharmacist Licensure Exam Ngayon
“Akala ko dati, hanggang pangarap lang ang lahat para sa mga katulad kong mahirap.” Isang simpleng kataga ngunit nagpapahayag ng mabigat na katotohanan. Ganito nagsimula ang kwento ni Kyla Camille S. Ortal mula Barangay Baay, Batac City, Ilocos Norte – isang dating Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) monitored child na minsang naniwala na ang tagumpay continue reading : 4Ps Noon, Top 2 sa Pharmacist Licensure Exam Ngayon
