Sa pamamagitan ng pre-inspection meeting at pagkakaroon ng Data Sharing Agreement sinisigurado ng National Household Targeting Section (NHTS) ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO 1) – Ilocos Region na maproprotektahan ang mga personal na impormasyon ng mga mahihirap na mga indibidwal na maibibigay kay Lyceum Northern Luzon (LNL).

Mahigit isang milyong mahihirap mula sa lalawigan ng Pangasinan at La Union ang natukoy ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO 1) – Ilocos Region Listahanan o ang National Household Targeting System for Poverty Reduction ang napasakamay ng Lyceum Northern Luzon (LNL) sa naganap na Data Sharing Agreement kamakailan.

Ito na ang pangalawang pagakakataong humingi ng listahan ng mahihirap ang LNL. Una nilang nagamit ang data mula sa Listahanan 2 kung saan nakatukoy sila ng mahigit dalawang daang benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) na programa ng Commission on Higher Education (CHED) na nakapagtapos ng kolehiyo.

Ngayon, ang listahan ng mga mahihirap mula sa Listahanan 3 ay magiging basehan ng LNL para madagdagan ang mga magiging potensyal na benepisyaryo ng TES.

We would like to get the copy from Listahanan because we would like to help (Gusto naming kumuha ng kopya ng listahan ng mahihirap mula sa Listahanan dahil gusto naming makatulong),” ani ni LNL President Mariano M. Gandia, PhD.

Ang pakikipagtulungan ng LNL sa mga ahensya ng gobyerno kagaya ng DSWD at CHED ay nagbunga ng mga college graduates na sa ngayon ay may kaniya-kaniya ng trabaho. Ang ilan sa kanila ay naging pulis, guro, at iba pa.

Hindi lamang ang mga State Universities, at Colleges (SUCs) kagaya ng LNL ang maaaring makakuha ng datos ng mga mahihirap mula sa DSWD Listahanan upang magamit na batayan sa pagpili ng mga magiging benepisyaryo sa mga programang makakatulong sa mga nangangailangan.

Maaari ring humingi ng data mula sa Listahanan ang iba pang mga Regional Line Agencies (RLAs), Local Government Units (LGUs), Civil Society Organizations (CSOs), at mga pribadong sektor sakaling mayroon silang outreach programs at iba pang mga proyekto para mas madali nilang malaman kung sinu-sino at nasaan ang mahihirap na indibidwal o sambahayan dito sa Rehiyon Uno. (by: Jaymante Pearl B. Apilado – Social Marketing Unit / National Household Targeting Section)