Sa patuloy na pagbibigay ng maagap at mapagkalingang serbisyo tuwing may kalamidad, hindi nakakaligtaan ang inspeksyon upang masiguro ang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa bawat DSWD Field Office 1 warehouses sa Rehiyon Uno.
Binisita ng DSWD National Audit Team sa pangunguna ni DSWD Central Office Internal Audit Service Director Atty. Marijoy D. Segui ang pagbisita sa DSWD warehouses sa La Union, Pangasinan, Ilocos Sur, at Ilocos Norte. Sa pag-iikot ng mga auditor, napansin ang maayos na kalagayan ng Food at Non-Food Items (FNFIs) sa Regional Warehouse sa City of San Fernando, La Union dahil nabalutan pa ng plastic ang mga FNFIs upang maprotektahan sa anumang dumi. Bukod pa rito, pinuri rin ng auditors ang pagkakaroon ng maayos na label sa bawat stockpile kung saan agad makikita ang bilang ng stockpile at expiration date nito.
Napansin din ang maayos na tracking system kung saan kaagad makikita ang status ng FNFI request ng lokal na pamahalaan at ibang opisina. Samantala, sa satellite warehouses ay inirekomendang mas paigtingin ang monitoring ng mga releases at mga nakaimbak na FNFIs upang maiwasan ang kontaminasyon ng mga stockpile goods.
Sa pagmamasid ay nakita rin ng auditors ang kahalagahan ng pagselyo ng mga kit upang tiyakin na hindi mababawasan ang laman at hindi mapasukan ng insekto o anumang dumi.
โAng mga obserbasyon ng ating mga auditors ay instrumento upang mas ma-improve pa ang warehouse management. Mas paiigtingin natin ang records keeping at handling of goods sa pamamagitan ng weekly inspection at monthly inventory sa bawat warehouses upang mahigpit na ma-monitor ng mga staff ang kalagayan ng FNFIs at upang maiwasan na rin ang pagkasira ng stockpileโ, ani OIC Disaster Response Management Division Maricel S. Caleja.
Sa kabuuan, ang mga alituntunin para sa maayos na pag-iimbak ng mga FNFIs ay nasusunod at ang mga rekomendasyon para sa pagpapabuti ng pamamahala ng warehouses ay kinilala at gagawan ng askyon ng Field Office 1 upang masiguro ang dekalidad na serbisyo para sa higit na nangangailangan. By: Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II – Disaster Response Management Division