Halos tatlong buwan na ang nakalipas nang maramdaman ang hagupit ng Bagyong Egay noong Hulyo, ngunit malungkot pa rin sa ibang mga mamamayan sa Probinsya ng Ilocos Sur dahil hanggang ngayon ay ramdam pa rin nila ang iniwang epekto ng nasabing bagyo.
Dahilan sa tuloy-tuloy na payout sa ibaโt ibang munisipyo at syudad sa Ilocos Sur alinsunod na rin sa deriktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagtuunan ng pansin ang rehabilitasyong makatutulong sa pagbangon ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo at southwest monsoon kamakailan.
โAng hirap ng pinagdaanan namin kasi hindi namin inaasahan at napaghandaan ang mabilis na pagtaas ng tubig at pahirapan ang pag-rescue noong panahon na โyun. Gayunpaman, dahil sa karagdagang tulong na ibinibigay ng DSWD ay unti-unti kaming nakababangon. Ang perang natanggap namin ay maidaragdag naming pambili ng materyales para mas mapatibay pa ang aming tahanan,โ kuwento ni Ellen Malinao mula sa Barangay Beddeng Laud, Vigan City, Ilocos Sur sa kanilang karanasan noong kasagsagan ng Bagyong Egay.
โBukod sa family food packs na unang naibibigay ay nag-iisip pa ng ibang paraan ang gobyerno upang makatulong sa pagbangon ng mga nangangailangan. Kaya mayroong mga ganitong programa para sa rehabilitasyon ng inyong mga bahay na nasira para kahit papaano ay maging komportable pa rin ang bawat mag-anak. Kami po (sa DSWD) ay magbibigay ng tulong pero sama-sama po tayong magtulungan at tumayo sa sarili nating paa,โ ani Regional Director Marie Angela S. Gopalan.
Maliban sa Ilocos Sur, may iskedyul din ng ECT payout sa Ilocos Norte, Pangasinan, at La Union. 85,097 na benepisyaryo ang inaasahang mabigyan ng unconditional cash assistance ng ECT sa Rehiyon Uno kung saan makatatanggap ng PhP13,500.00 ang pamilyang may totally damaged na bahay at PhP9,000.00 naman sa may partially damaged na bahay.
Ang ECT ay isang programa ng DSWD na nagbibigay ng unconditional cash assistance sa mga residenteng nasiraan ng bahay at lugar na nagdeklara ng State of Calamity. Isa ang ECT sa exempted sa election ban base sa aprubadong Commission on Elections Memorandum No. 23-05712. ย by Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II โ Disaster Response Management Division