โMay ganun palang programa ang DSWD,โ โyan ang reaksyon ng mga kalahok sa Food-for-Training cum Information Caravan sa Laoac, Pangasinan.
Ibinahagi sa mga kalahok na Barangay Health Workers (BHW), Child Development Workers, at Laoac, Pangasinan Local Government Unit (LGU) โ Men Opposed to VAW Everywhere members ang mga dapat gawin sa paghahanda ng pamilya sa panahon ng sakuna. Isa sa binigyang halaga ang pagtuturo sa mga bata ng safety measures kapag may kalamidad, isa na rito ang paggamit ng silbato o whistle na mabisang paraan para makatawag ng atensyon ng mga rescue worker kung sakali mang kailanganin. Ipinaliwanag din ang kahalagahan ng disaster preparedness na tumutulong upang mabawasan ang posibleng epekto ng panganib at makatutulong sa pagpapalakas at paghubog ng komunidad.
Bukod dito, ibinahagi rin ang ibaโt-ibang programa at serbisyo ng DSWD kung saan ipinaliwanag ang mga dokumentong kinakailangan sa pag-avail sa mga ito tulad na lamang ng financial assistance sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Binigyang diin din sa training na sa panahon ng kagipitan, ang unang magbibigay ng tulong sa mga residenteng nasa krisis ay ang LGU sa barangay, susunod ang munisipyo at provincial government. Kung hindi naging sapat ang naibigay na tulong ng mga nabanggit ay maaaring mag-request ang LGU ng augmentation o karagdagang tulong sa DSWD (National) at sa iba pang ahensiya.
โMalaking bagay po sa akin na isa po ako sa binigyan ng pagkakataong makadalo sa Food-for-Training cum Information Caravan, hindi lang po kasi patungkol sa disaster ang natutunan ko kundi pati ibang serbisyo ng DSWD gaya ng hindi pala lahat ng senior citizens ay automatic na may pension sa DSWD. Na-encourage akong abutin ang 100 years old para mas mahaba ko pang makasama ang pamilya ko plus makatatanggap pa ako ng PhP100,000.00 centenarian cash incentive mula sa DSWD โpag nagkataon. At hindi lang pala relief goods ang pwedeng maitulong ng DSWD kapag may disaster, meron din palang ibaโt-ibang kits. Dahil sa training na ito ay marami akong maishe-share sa mga kasamahan ko sa barangay,โ kwento ni Richelle Cugana, isang BHW sa Barangay Nanbagatan, Laoac, Pangasinan.
Bukod sa maagap na pagbibigay ng tulong sa mga higit na nangangailangan, prayoridad din ng DSWD Field Office 1 ang pagbibigay at pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo ng ahensya. Kaya naman isinasagawa ang Information Caravan at Food-for-Training upang mapamahagian din ang mga mamamayan hindi lang ng tulong kundi ng kaalaman upang maging isang resilient na komunidad. by Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II โ Disaster Response Management Division