โNabagyo naman ako gaya ng kapitbahay ko pero bakit ako lang ang hindi nakatanggap ng reliefโ, โpinipili ang binibigyanโ, โhindi kasi ako kapartido kaya wala akong natatanggap na tulongโ โ ilan lamang ang mga ito sa madalas na hinaing ng ating mga kababayan tuwing may sakuna.
Upang matugunan ang saloobin ay nagbigay ng technical assistance ang DSWD Field Office 1 (FO 1) sa mga lokal na pamahalaan sa Rehiyon Uno. Ito rin ay upang maiparating sa kanilang nasasakupan ang kahalagahan ng pagbibigay ng datos ng mga apektadong pamilya na nagiging basehan ng DSWD sa pagbibigay ng assistance kung kinakailangan.
Sa isinagawang training ay ipinaliwanag sa Local Government Units (LGUs) ang kahalagahan at pakinabang ng Disaster Response Operations and Monitoring and Information Center reporting system para sa napapanahong pag-uulat, pagpapakalap ng impormasyon, at pinabuting paghahatid ng mga serbisyo sa mga apektadong pamilya sa panahon ng emergency situation.
โMalaking tulong ang training na โto kasi naliwanagan kami sa mga dapat isamang data sa report tuwing may disaster. Hindi basta-basta yung paggawa talaga ng report pero malaking bagay na magawa naming maayos yung maisasubmit naming reports para kung sakaling kailanganin namin ng augmentation sa DSWD ay mabibigyan talaga lahat ng mga apektadong pamiya at indibidwalโ, saad ni Beberlyn C. Lubid, Burgos, Ilocos Sur OIC-Municipal Social Welfare and Development Officer.
Ang pagbibigay ng assistance ng ahensya ay ibinabase sa DROMIC reports ng LGUs sa DSWD kaya mahalagang maayos at kumpletong makalap ang mga datos na isinusumite. Hinihikayat din ng DSWD na makipagugnayan ang mga kababayang naapektuhan ng kalamidad upang agarang ma-assess ang pangangailangan ng bawat isa.
โBawat numero, katumbas ay serbisyo; kaya importante ang partnership ng LGUs at ng Field Office. Dapat may iisang understanding ang lahat sa kung anong datos ang kailangan ng DSWD nang sa gayon ay mas maagap nating matugunan ang pangangailangan at maibigay ang karampatang tulong sa mga kababayan nating madalas maapektuhan ng mga kalamidad at sakunaโ, dagdag ni Marc Leo L. Butac, DSWD Central Office Information Technology Officer I.
Sa pagsasanay na ito ay inaasahang mas mapapalakas pa ang kooperasyon, koordinasyon, at ย ugnayan ng Field Office at mga lokal na pamahalaan sa paghahanda ng disaster related report para sa maagap at mapagkaingang serbisyo, dahil bawat buhay mahalaga sa DSWD. by Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II โ Disaster Response Management Division