โKamusta ka na?โ ang tanong na nagpatahimik sa masayahin at masiglang si Beberly Aquino Agam, isang lingkod bayan ng DSWD Field Office 1 โ Disaster Response Management Division sa panayam sa kanya.ย
Sa pananalasa ng Super Typhoon Egay sa Hilagang Luzon, isa ang pamilya ni Beberly sa libong nasalanta ng hagupit nito. โNakaduty po ako noong Tuesday nang may report sa biglang pagtaas ng tubig. Nakagugulat at nakapangingilabot. Hindi ko inakalang ang bahay na pinaghirapang mabuo ng ilang taon ng yumaong lola namin ay nalubog sa baha. Wala ring naisalbang gamit ang tita at pinsan kong parehas na PWD (may kapansanan). Masakit pero nagpapasalamat kami na ligtas ang buong pamilya โ โyun ang pinaka-importante,โ kwento niya habang pigil sa pagtulo ng luha sa mga mata.
Kwento ni Beberly, nang masiguro niyang ligtas ang kanyang pamilya ay nagdesisyon pa rin siyang bumalik sa kanyang post at ipinagpatuloy ang trabaho upang malaman ang pangangailangan ng iba pang nasalanta gaya niya. โKailangan din kasi tayo (DSWD staff). Kailangang isaalang-alang โyung sitwasyon at pangangailangan ng iba pang mas nangangailangan,โ dagdag niya habang gumagaralgal ang tinig na nagkukwento.
Ganito rin ang naging paninindigan ng iba pang empleyado ng DSWD na parehas ni Beberly na nakaranas ng hagupit ni Bagyong Egay โ ang pinipiling maglingkod para sa bayan anumang oras o sitwasyon.
โWe anticipate to serve โyung mga nangangailangan sa panahon ng sakuna. Kaya kahit bahagyang nasira ang mga gamit sa bahay namin at isa kami sa apektadong pamilya ay nandoon pa rin kasi โyung puso sa paglilingkodโฆ Flattering na papalapit ka pa lang para iabot โyung relief ay nakangiti silang bubungad sa iyo,โ sagot ni Mark John Ley O. Ligsay, isa ring empleyado ng DSWD FO 1 nang tanungin kung bakit pinili pa ring magsilbi sa bayan sa kabila ng sinapit sa Bagyong Egay.
Malaking hamon sa DSWD Uno ang paglingkuran nang sabay-sabay ang libu-libong nasalanta ng nasabing bagyo sa Rehiyon ngunit hindi ito naging imposible dahil sa commitment ng Angels in Red Vest na maihatid ang maagap na serbisyo. Sa ngayon, 66,573 ang kabuuang family food packs, bottled drinking water, at non-food items na naipamahagi sa mga apektadong pamilya at indibidwal sa buong Rehiyon Uno na nagkakahalaga ng PhP49,447,759.72.
Samantala, sa datos ngayong ika-29 ng Hulyo, 12NN ay 139,324 ang bilang ng kabuuang apektadong pamilya na may 600,152 indibidwal sa Rehiyon Uno. Sa tulong ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 member-agencies at volunteers ay tuluy-tuloy pa rin ang deliveries ng Food at Non-Food Items na request ng mga apektadong lokal na pamahalaan.
Habang kasalukuyan ang panayam sa mga kasamahang empleyado ng Kagawaran ay nakaramdam na rin ng pagod pero pagkatapos marinig ang inspirational na kwento ay tila nagkaroon ng lakas upang magpatuloy sa mithiing makapagbigay ng maagap at may pusong serbisyo.
Ang dedikasyon ng lahat ng lingkod bayan ay hindi matatawaran. Snappy salute para sa inyong lahat!
by Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II โ Disaster Response Management Division