Sa paghahanda sa posibleng maging epekto ng Typhoon โBettyโ at sa prediksyong maaaring magdulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan sa Rehiyon Uno at sa karatig nitong rehiyon, triple ang naging aksyon ng Kagawaran upang mapataas ang bilang ng naka-standby na Food at Non-Food Items (FNFIs) sa DSWD Field Office (FO) 1 warehouses.
Sunud-sunod ang delivery ng family food packs (FFPs) sa 19 DSWD FO 1 regional at satellite warehouses. Sa kasalukuyang datos, may kabuuang bilang na 62,100 FFPs habang 29,840 naman ang Non-Food items na kinabibilangan ng kits at 4,968 na tig-anim na litrong bottled drinking water bilang relief supply augmentation na ipamamahagi sa mga indibidwal at pamilyang maapektuhan ng Bagyong โBettyโ.
Upang mapanatili ang stockpile ng relief goods, dumagsa ang DSWD FO 1 community volunteers at uniformed personnel mula sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) 1 member-agencies para tumulong magbaba ng nai-deliver na FFPs sa ibaโt-ibang warehouses.
Sa huling report, mayroong dalawang sambahayan ang natumbahan ng puno sa Laoac, Pangasinan. Agad namang nagbigay ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Laoac, Pangasinan na sinundan ng karagdagang tulong ng DSWD FO 1. Nakatanggap ng PhP10,000.00 financial assistance ang sambahayang may totally-damaged house at PhP5,000.00 naman ang natanggap ng pamilyang may partially-damaged na bahay. Bawat pamilya ay nakatanggap din ng tig-dalawang FFPs, tig-isang hygiene kit, sleeping kit, family kit, kitchen kit, at laminated sack na makatutulong sa kanilang recovery.
Samantala, pinapaalalahan ng DSWD na ipinagbabawal ng Republic Act No. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 ang pagbawas at pagbebenta ng mga relief supply na inilaan para ipamahagi sa mga biktima ng kalamidad.
Layunin ng 19 regional at satellite warehouses sa Rehiyon na maagap na pagsilbihan ang lahat ng pamilyang apektado ng kalamidad. Ang warehouses ay nakatuon sa pagpapahusay ng serbisyo publiko sa Rehiyon Uno at mga kalapit na rehiyon tulad ng Rehiyon Dos at Rehiyong Administratibo ng Cordillera. By: Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II – Disaster Response Management Division