Sunud-sunod ang pag-imbita ng ibaโt-ibang Region 1 Local Government Units (LGUs) sa DSWD Field Office 1 upang magbigay ng technical assistance sa pamamagitan ng Camp Coordination and Camp Management (CCCM) at Internally Displaced Person (IDP) Protection Trainingย na tumatalakay sa pagpapabuti ng evacuation at relocation sites sa bawat munisipiyo.
Ipinapaliwanag sa CCCM at IDP Training ang mga dapat gawin sa evacuation at relocation sites, ang set-up ng mga nasabing sites, at ang ibaโt-ibang karapatan ng IDPs o mas kilala sa tawag na evacuees upang sila ay maprotektahan at matulungang makabangon sa epekto ng sakuna.
โAng sakuna ay hindi biro kaya kailangan nating seryosohin ang training na ito dahil malaking tulong ito sa ating pagkakaroon ng evacuation site sa ating lugar na kasalukuyang ipinapatayo,โ banggit ni Manuel O. Luis Jr., Binalonan, Pangasinan Municipal Administrator at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer.
Sa bawat evacuation at relocation site ay importanteng mayroong nakahandang emergency vehicle at nakatalagang medical team, breastfeeding area, couple room, at prayer room. Mahalaga ring may children friendly space kung saan mayroong laruan, art materials, at iba pang pwedeng libangang maaaring gamitin ng mga bata habang nasa evacuation o relocation sites na makatutulong para malihis ang kanilang atensiyon at mawala ang traumang epekto ng kanilang pinagdaanang kalamidad.
Mahalaga ring mayroong women friendly space kung saan gagawin ang psychosocial support at iba pang aktibidad na makatutulong sa panunumbalik ng sigla ng mga nakatatanda ng apektadong pamilya o indibidwal.ย
Pinapaalalahanan din ng DSWD na kinakailangang hiwalay ang lugar ng livestock at domestic animals upang maiwasan ang contamination; hiwalay ang palikuran para sa lalaki, babae, persons with disability, at elderly para maiwasan ang gender violence.
โIba pa rin ang may alam, iba pa rin yung malalaman ang mga dapat gawin, kasi ang disaster kapag hindi tayo handa ay maaari tayong makagawa ng hindi kaaya-aya lalo na sa ating evacuees at apektadong pamilya kaya malaking tulong ang CCCM at IDP Protection Training dahil nalaman namin kung ano ang mga priority na kailangang gawin na maia-apply namin sa ipinapatayong evacuation areaโ, wika ni Binalonan, Pangasinan Municipal Social Welfare and Development Officer Bayani P. Manas.
Sa 116 na LGUs sa Region 1 ay kasalukuyang may 16 na LGU pa lamang ang nakatapos ng CCCM at IDP Protection Training, kaya naman hinihikayat ng DSWD ang iba pang lokal na pamahalaang sumailalim sa nasabing training.
Nagbigay rin ng Women and Child Friendly Kit sa LGUs na may established evacuation sites na kanilang magagamit sa child and women friendly spaces nito.Ang CCCM at IDP Protection Training ay parte ng pagbibigay ng DSWD Technical Assistance na may layuning mapalawig ang kaalaman ng LGUs sa pagkakaroon ng maayos na evacuation at relocation sites na makapagpapabuti sa pagbibigay ng serbisyo sa evacuees na pansamantalang mananatili sa evacuation at relocation sites. by Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II โ Disaster Response Management Division