Naging laman ng balita ang probinsiya ng Ilocos Sur dahil sa hindi inaasahang pagtaas ng tubig na nagresulta ng paglubog ng maraming kabahayan sa nasabing probinsiya. Isa na rito si Inecris Castillo at kanyang pamilya sa 315,733 na naitalang naapektuhang pamilya ng Super Typhoon Egay, Hulyo taong 2023.
โNalayus tay upupaan mi nga balay idi Super Typhoon Egay, isu para kinyami ket dakkel nga banag tay naawat mi nga PhP4,500.00 Emergency Cash Transfer ta adda pandagdag nga panggastos mi para annak mi. Isu dakkel a yaman mi daytoy naited nga tulong kadakami iti DSWD. (Nalubog sa baha ang inuupahan naming bahay noong kasagsagan ng Super Typhoon Egay kaya malaking bagay itong natanggap naming PhP4,500.00ย Emergency Cash Transfer na pandagdag gastos namin sa pangangailangan ng aming mga anak. Kaya laking pasasalamat namin sa DSWD),โ natutuwang pahayag ni Inecris Castillo, Emergency Cash Transfer beneficiary mula sa Poblacion, Sta. Maria, Ilocos Sur.
Ipinaliwanag ni Disaster Response and Rehabilitation Section Head Jeany Buteng-Dayag na ang maaaring mabigyan ng Emergency Cash Transfer ay mga lugar na nagdeklara lamang ng State of Calamity noong kasagsagan ng sakuna. โNakabase rin ang bilang ng apektadong pamilya sa DROMIC Report mula sa Local Social Welfare and Development Office sa Local Government Units (LGU), kaya malaking tulong ang pagkakapit-bisig ng LGU at DSWD sa success ng implementasyon ng Emergency Cash Transfer o ECT,โ dagdag niya sa kanyang talumpati.
Matatandaang nauna nang nabigyan ng Emergency Cash Transfer unconditional cash assistance noong nakaraang taon ang mga nasiraan ng bahay dahil sa hagupit ng Super Typhoon Egay kung saan nakatanggap ng PhP9,000.00 ang naireport na may partially damaged na bahay at PhP13,500.00 naman ang naireport na totally damaged ang bahay.
Para naman sa mga naapektuhan ng nasabing bagyo na hindi pa nakatanggap ng Emergency Cash Transfer ay tig-PhP4,500.00 na unconditional cash assistance ang kanilang matatanggap na nagsimula kahapon, ika-11 ng Abril hanggang sa mga susunod na araw.ย
Pinapaalala rin ng Kagawaran na sa panahon ng sakuna, ugaliing magreport ng inyong kalagayan sa inyong LGU dahil sila ang unang magbibigay ng tulong. Kapag hindi ito sapat ay maaaring magrequest ang LGU ng augmentation o karagdagang tulong sa DSWD (National) at sa iba pang ahensya ng Gobyerno. By: Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II – Disaster Response Management Division