Alinsunod sa National Womenโs Month Celebration ngayong Marso, muling pinagtibay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 ang pangakong suportahan, paigtingin ang karapatan, at protektahan ang kababaihan bilang suporta sa Philippine Commission on Women.
โLipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!โ ang tema ngayong taon na nagbibigay-diin sa pangangailangang ipakita at gamitin ang potensyal ng kababaihan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagsasanay sa pagpapalakas ng kalooban bilang isang indibidwal.
Sa pagsasanib pwersa ang Statutory Programs Division at Disaster Response Management Division ay naisakatuparan ang Serbisyo para kay Juana Information Caravan cum Food-for-Training sa ibaโt-ibang lugar sa Rehiyon Uno. Itinuro sa mga kalahok ang mga dapat gawing paghahanda sa anumang sakuna, binigyang linaw ang pagkakaiba ng naibibigay ng DSWD na tulong sa ibang opisina, at tinalakay ang Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law.
โWe conduct these activities for our women and women with disabilities to raise awareness and resiliency of families and community on disaster preparedness and to strengthen the knowledge of women of their rights (Isinasagawa natin ang mga aktibidad na ito para sa mga kababaihan at kababaihang may kapansanan upang pataasin ang kamalayan at katatagan ngย mga pamilya at komunidad sa paghahanda sa sakuna at palakasin ang kaalaman sa kanilang karapatan bilang isang babae,โ ani Sheryll Bringas, Social Welfare Officer II, Concurrent Head of Community-Based Services Section.
Ayon sa Presidente ng Persons with Disabilities sa Bangar, La Union na si Cristeta F. Magpali, masaya silang naging bahagi ng aktibidad. Dagdag pa niya, dahil sa isinagawang training ay nailapit sa kanila ang mga programa at serbisyo ng DSWD. โMagandang mayroong ganitong activities para sa kababaihan lalo na sa mga may disabilities, dahil dito ay mas nagiging empowered kami at nalalaman namin ang mga karapatan naming mga babae na maibabahagi ko sa mga kapwa kong babae na may disabilities din,โ aniya sa kanyang interview.
Hatid ng Regional Inter-Agency Committee Against Trafficking-Child Pornography-Violence Against Women and their Children (RIACAT-CP-VAWC) ang Serbisyo para kay Juana Information Caravan cum Food-for-Training sa Bauang, La Union sa pangunguna ni DSWD Field Office 1 Regional Director Marie Angela S. Gopalan at Women with Disabilities Day naman ang ginanap sa Bangar, La Union kasama ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO).
Ang Food-for-Training ay isang programa ng DSWD kung saan ang mga kalahok ay sasailalim sa pagsasanay patungkol sa disaster preparedness at makatatanggap ng tig-isang Family Food Pack. By: Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II – Disaster Response Management Division