Sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng bawat Pilipino, serbisyong may puso ang hatid ng pambansang pamahalaan.

Bilang bahagi ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na inilunsad sa Laoag City Centennial Arena, Laoag City, Ilocos Norte, naghatid ang DSWD Field Office 1 ng tulong sa higit 32,000 Ilokano sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Maliban sa AICS, nakatanggap din ng tulong pinansyal ang limang participants ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

“Dakkel unay a panagyaman ko ta adda ti dimteng a tulong aglalo ta saan nakon a makabael. Igatang ko daytoy naawat ko para kadagiti masapsapulmi nga agasawa, aglalo ti maintenance iti sakit ko a diabetes. Damdamok laeng met ti makaawat daytoy a tulong nga inpaay daytoy a serbisyo iti gobierno (Malaki ang pasasalamat ko dahil may dumating na tulong lalu pa at hindi na malakas ang aking pangagatawan. Gagamitin ko ang aking natanggap para sa pambili ng mga kailangan naming mag-asawa lalo na sa aking maintenance sa sakit kong diabetes. Ito rin ang unang pagkakataong makatanggap ako ng tulong sa pamamagitan nitong serbisyo ng gobyerno),” ani Romulo Eda, AICS beneficiary mula sa Pasuquin, Ilocos Norte (unang larawan).

 

Ayon naman kay Rolly F. Ulep (pangalawang larawan), na bagama’t hirap magsalita at maglakad ay pinilit pa rin niyang ipinaabot ang kaniyang pasasalamat. “Pagyamanak la unay ta daytoy nga inted ti DSWD. Adda panggatang min ti bagas, agsipud ta maysa bulanen nga awan bagasmi. Tallo kadagiti uppat nga annakko ti agbasbasa. Ni baketko met ket adda ti Breast Cancer na. Kaasi ni Apo, naimbagan met. Aggatang ti bote ken lata ti pagsapulak. Nu saanak agsapul, awan pangkaanmi (Maraming salamat dito sa ibinigay ng DSWD. May pambili na kami ng bigas dahil isang buwan na kaming walang bigas. Tatlo sa aking apat na anak ay nag-aaral. Ang aking asawa naman ay may Breast Cancer. Sa awa ng Diyos, gumaling naman siya. Tanging pangangalakal ang aking pinagkakakitaan. Kung hindi ako maghahanap-buhay, wala na kaming pangkain),” pagbabahagi niya.

Maliban sa tulong pinansyal, nabigyan din ng Family Food Pack ang mga iminungkahi ng ibang ahensya ng pamahalaan na naging bahagi ng nasabing Serbisyo Fair.

Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay inisyatibo ng pambasang pamahalaan upang mas mailapit sa mga Pilipino ang iba’t-ibang programa at serbisyo ng gobyerno. Sabay-sabay itong inilunsad sa mga probinsya ng Davao de Oro, Leyte, at Camarines Sur kung saan dumalo ang Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. (by: Jesslyn Keith B. Valite & Anjhannel R. Tagle, Information Officer I – Social Marketing Unit)