Nagkaroon ng consultation dialogue ang DSWD Field Office 1 (DSWD FO 1) – National Household Targeting System for Poverty Reduction o Listahanan sa mga Regional Line Agencie (RLA), Local Government Unit (LGU), Civil Society Organization (CSO), at Academe para mapalawak ang adbokasiya at maibahagi ang proseso ng pagkuha ng data mula sa Listahanan 3 (L3) database.
Sa naganap na dialogue ay nalaman ng mga 264 na participants na kinabibilangan ng mga Local Social Workers, Local Planning and Development Officers, at representatives mula sa iba’t-ibang RLAs, CSOs, at Academes na maaari silang makakuha ng statistics at listahan mismo ng mga mahihirap na sambahayan sa Listahanan upang magkaroon sila ng inisyal na data na makatutulong sa kanilang research o sa iplaplano at ipapatupad na mga programa at serbisyo para sa mga maralita.
Tuloy ang pagsisikap ng ahensya na anyayahan ang lahat ng mga partners sa larangan ng pagpapatupad ng mga social protection programs na magsama-samang tutukan at tulungan na makaahon sa kahirapan ang mga natukoy na mahihirap ng Listahanan.
“If we are thinking about the limited resources of the government and we wanted the government to improve and also the entire Philippines, we are encouraging to implement the whole of nation approach in addressing poverty. We are expecting that you will have the interest to have a data sharing agreement with us to address the goal of poverty reduction,” ani ni DSWD FO 1 Chief Administrative Officer / Concurrent-
OIC Assistant Regional Director for Administration Melecio C. Ubilas, Jr. sa kanyang mensahe sa naganap na dialaogue noong 25 Agosto 2023.
Ayon naman kay DSWD FO 1 OIC Assistant Regional Director for Operations Anniely J. Ferrer, libre ang pagkuha ng data mula sa Listahanan para sa mga LGU, RLA, at CSO na wala pang sariling database ng mahihirap. Kailangan lang na may Data Sharing Agreement alinsunod sa Data Privacy Act of 2012 sakali mang may paglabag sa paggamit ng data at para maproteksyonan din ang mga personal at sensitibong impormasyon na nakalap. By: Jaymante Pearl B. Apilado, Listahanan Information Officer