โAwanen, Mama, dagitay nagrigatanyo kenni Papa (Wala na, Mama, ang mga pinaghirapan ninyo ni Papa).โ Ito ang mga katagang nagpabuhos ng luha ni Elma Cardenas mula sa panganay niyang anak noong kasagsagan ng Bagyong Egay.
โAnia garud nu kasta ti gasat na, kuwarta laeng dayta anakko, masapulan dayta. Ti importante ket sibibiag ken natalged ti pamilyatayo (Anong magagawa natin kung ito ang nangyari, pera lang iyan, anak, magagawan iyan ng paraan. Ang importante ay buhay at ligtas ang ating pamilya).โ Ito na lang daw ang nabanggit ni Elma sa umiiyak niyang panganay na anak nang lumikas sila papuntang evacuation center noong kasagsagan ng Bagyong Egay noong Hulyo nitong taon.
Isa ang pamilya ni Elma mula sa Barangay Cabalanggan, Bantay, Ilocos Surย sa libo-libong pamilyang sinindak ng mataas na baha dahil sa epekto ng Bagyong Egay. Nawasak at naianod ang kusina at bahaging harapan ng kanilang bahay na dugo at pawis nilang binuo kasabay ng pagyabong ng kanilang pamilya.
Samantala, bayanihan kung ilarawan naman ni Elma ang kaganapan pagkatapos humupa ang tubig sa kanilang lugar. Ang kaniyang mga kabarangay at ibaโt-ibang sangay ng gobyerno, kasama ang DSWD, ay sama-samang umagapay sa mga naapektuhang pamilya.
Tulong-tulong na inayos ang natibag na riprap na nagkokontrol sa pagbaha na katabi lamang ng kanilang bahay. Nagtanim din sa community garden at nagkaroon ng Tree Planting Activity si Elma kasama ang iba pang benepisyaryo ng DSWD Risk Resiliency Program sa pamamagitan ng Cash-for-Work.
Kasabay ng implementasyon sa iba pang DSWD Risk Resiliency Program sa Bantay, Ilocos Sur ay mga proyektong pangkalikasan sa Barangay Tay-ac. Namumukod-tangi ang nasabing barangay na nagtanim ng 400 kawayan at 50 pirasong narra na pinaniniwalaang malaking tulong sa pagpapatibay ng lupa lalo na tuwing tag-ulan.
โLandslide ti kangrunaan a nakita mi a problema, isu a nagmula kami ti 400 kapuon a kawayan ta natibker ti tikag ken dadakkel ti ramotna, tapno ti kasta ket kumpet tapnu haan aggiday ti daga (Ang pagguho ng lupa ang pangunahing problemang nakita namin, kaya nagtanim kami ng 400 na puno ngย kawayan dahil ito ay drought resistant at may malalaking ugat kaya malakas ang kapit sa lupa para maiwasan ang pagguho ng lupa),โ paliwanag ni Barangay Kapitan Jose T. Madriaga.
Bukod sa mga naunang nabanggit ay nagkaroon din ng Barangay Gardening ang nasabing barangay kung saan nagtanim ng sari-saring gulay na mapakikinabangan ng lahat ng mangangailangan, hindi lamang ng mga nagtanim.
โYamanek nga adda daytoy DSWD Risk Resiliency Program babaen ti Cash-for-Work. Saan la a nakatulong babaen iti panakaadda ti gastusen dagiti benepisyaryo, addu pay na naitulong ti pannakapasayaat ti aglawlaw lalo tatta ket mapaspasaran tayo climate change (Salamat sa pagkakaroon ng DSWD Risk Resiliency Program sa pamamagitan ng Cash-for-Work. Hindi lamang nakatulong sa pandagdag gastusin ng mga benepisyaryo, marami pa itong naitulong sa pagpapabuti ng kapaligiran lalo na at nararanasan natin ang climate change),โ dagdag pa ni Barangay Kapitan Madriaga.
Ang Risk Resiliency Program-Climate Change Adaptation Program ay isa sa mga programa ng DSWD na naglalayong pataasin ang adaptive capacities ng mga bulnerableng komunidad. Ang mga target na benepisyaryo ay magtatrabaho sa mga proyekto at aktibidad na may kaugnayan sa pag-angkop at pagpapagaan ng mga epekto ng pagbabago ng klima at pagbabawas ng mga panganib sa sakuna. Sampung araw na magtatrabaho ang benepisyaryo at tatanggap ng cash payment kapalit ng kanilang trabahong ginawa.
Sinubok man ang mga kababayan natin sa Ilocandia ng Bagyong Egay, nangingibabaw pa rin ang katatagan dahil sa pagtutulungan ng bawat isa. Tulad ni Elma, nasiraan man ng bahay at iba pang kagamitan, hindi matitinag ang pananalig at tiwalang sa takdang panahon ay makakamtan muli ang inaasahang kaginhawaan. by Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II โ Disaster Response Management Division