Nagtapos ng Women Friendly Space (WFS) Management Training ang 15 na representative ng Region 1 Local Government Units (LGUs).
Tinalakay sa naturang training ang madalas na sitwasyon at karahasang nararanasan ng mga kababaihan, mga bata, at nakatatanda sa loob ng evacuation centers (ECs) tuwing may kalamidad. Ipinakita rito ang karaniwang anyo ng isang Women Friendly Space sa loob ng EC. Pinag-usapan din ang mga karapatan at proteksyon ng mga kababaihan kapag nasa ECs kasabay ng pagtuturo ng mga gagawing interbensyon upang maiwasan ang mga pangyayaring ito sa panahon ng sakuna.
โDuring normal times ay mataas ang cases of abuses and in cases of emergencies ay mas malaki ang tendency na tumataas pa pero hindi agad na i-rereport. During emergencies, ang response intervention po natin ay nakafocus sa provision of food and non-food items kaya naneneglect po natin ang pagtutok sa protection concerns like gender-based violence. Kung gaano po kahalaga ang relief, sana ay ganun din ang appreciation natin sa pagbibigay ng protection interventions like safe space sa ating mga kababayan in times of emergencies,โ ani Lixter M. Lambinicio, DSWD Central Office โ Disaster Response Management Bureau Social Welfare Officer III.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa taong 2022, pumapangalawa ang Region 1 sa may pinakamataas na naitalang nakaranas ng physical, sexual, at emotional violence sa kanilang intimate partner kaya naman malaking bagay ang nasabing training upang maiwasan ang mga karahasan sa mga kababaihan at kabataan sa loob ng ECs.
โIn times of unrest or not normal situations like emergencies and people are staying together in one space, sometimes doon nag-escalate ang acts of violence or abuse. Itong training po natin na ito ay konektado sa Camp Coordination and Camp Management (CCCM) and Internally Displaced Persons (IDP) Protection. CCCM and IDP Protection is focused on the protection of vulnerable groups – women, children, and elderly during disasters. These are things we should be aware of so that we can use the same principles in cases of emergencies. Kaya mahalaga pong marinig namin ang inyong [LGUs] insights on the topics – ang inyong sitwasyon base sa karanasan sa inyong nasasakupan,โ pahayag ni Regional Director Marie Angela S. Gopalan sa kanyang mensahe.
Ang Women Friendly Space ay isang pasilidad o lugar sa evacuation center kung saan mararamdaman ng mga kababaihang nasa ECs na ligtas sila sa anumang karahasan. Ina-activate ang WFS sa bawat EC kung ang IDP o karaniwang tinatawag na evacuees ay nanatili sa EC ng tatlong linggo at higit pa. Ang WFS ay hindi lamang para sa mga kababaihan ngunit maaari ring mabigyan ng assistance ang iba pang sekswalidad depende sa kanilang pangangailangan.
Bukod sa WFS Management Training, nagbibigay rin ng CCCM and IDP Protection Training ang DSWD. Namahagi rin ng women friendly kit sa ilang disaster prone LGUs na may evacuation sites upang magamit sa women friendly spaces nito.
Prayoridad ng DSWD na protektahan ang mga karapatan ng mga bulnerableng sektor ng mga kababaihan, bata at nakatatanda โ dahil Bawat Buhay Malaga sa DSWD. by Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II โ Disaster Response Management Division