Bahagi sa social protection ang pamamahagi ng DSWD Field Office 1 (FO 1)ย ng agarang tulong sa panahon ng anumang sakuna.
Tuluy-tuloy ang pagpreposisyon o paglalagay ng Food at Non-Food Items (FNFIs) sa 14 na DSWD FO 1 Regional at Satellite Warehouses. Kasabay rito ang pagtalima sa National Hurricane Preparedness ngayong buwan na naglalayong maihanda ang bansa sakaling magkaroon ng bagyo.
Sunud-sunod din ang pagbibigay ng Family Disaster Preparedness Training sa Region 1 kung saan tinatalakay ang mga paksang kaugnay sa bagyo – mga dapat gawing paghahanda laban sa mga storm surge, proseso ng pagpaplano ng evacuation zone, mga early warning system, pagpapatibay ng tahanan, at mga supply na kailangan sa tuwing may sakuna.
Nagbibigay rin ng technical assistance ang FO 1 sa ibaโt-ibang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Camp Coordination and Camp Management (CCCM) at Internally Displaced Person (IDP) Protection Training na makatutulong upang mabigyang proteksyon ang mga apektadong pamilya o indibidwal na pansamantalang tutuloy sa evacuation centers.
Ayon sa Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), mas maraming tropical cyclone (TC) ang pumapasok sa Philippine Area of โโResponsibility (PAR) kumpara sa ibang rehiyon sa mundo. Sa average na 20 TC kada taon ay walo hanggang siyam na bagyo ang tumatawid sa Pilipinas. Ang peak ng panahon ng bagyo ay Hulyo hanggang Oktubre.
Gayunpaman, nakahanda ang DSWD FO 1 kung sakaling may kalamidad dahil sa kasalukuyan, 31,191 Family Food Packs (FFPs), 5,007 na tig-6-liter bottled drinking water, at 29,871 na Non-Food Items ang kabuuang bilang ng FNFIs na nasa regional at satellite warehouses. Sa huling tala, 403 na indibidwal na naapektuhan ng sunog sa 15 na lokal na pamahalaan ang nabigyan na ng karagdagang tulong.
Sa panahon ng sakuna, ang lokal na pamahalaan ang magbibigay ng paunang tulong sa kanilang residente gamit ang sarili nitong Quick Response Fund. Kapag hindi ito sapat ay maaari silang mag-request ng augmentation sa national government agencies gaya ng DSWD. By: Nicole Kasandra A. Lipawen, Information Officer II – Disaster Response Management Division