Maglilimang taon nang tinataguyod ng Timpuyog de San Marcelino SLPA Inc. mula sa sa Dingras, Ilocos Norte ang kanilang gatasan ng kalabaw simula nang sila ay maging program participant ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 – Ilocos Region Sustainable Livelihood Program (DSWD FO 1 SLP) noong 2021.

Nang sila’y maorganisa, nakatanggap sila ng 25 na kalabaw mula sa Philippine Carabao Center (PCC) ng Mariano Marcos State University (MMSU) – City of Batac, isa sa mga kaagapay ng Kagawaran sa sa pagsulong ng sustenableng kabuhayan.

Ngayong taon, masayang tinanggap ng 29 na miyembro ng ng SLPA  ang 29 na karagdagang babaeng dairy buffaloes mula sa PCC bilang pagkilala sa ipinakita nilang dedikasyon, kasipagan, at maayos na pag-aalaga sa kanilang mga kalabaw na napadami nila sa lumipas na mga taon. 

Sa kasalukuyan, mayroon na silang 68 na alagang kalabaw. Bukod sa bilang na ito, nakapagbenta na rin sila ng pitong (7) kalabaw sa halagang Php490,000.00 na ginamit nila bilang pandagdag kapital sa kanilang kabuhayan.

Maliban sa pagsasaka, ang kabuhayang ito ang pinagkukunan ng mga miyembro ng karagdagang kita para matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya at pag-aaral ng mga anak. Kaya naman labis ang kanilang pasasalamat sa karagdagang suportang naibigay sa kanila.

“Malaki po ang aming pasasalamat sa DSWD FO 1 SLP at sa PCC sa patuloy na suporta. Dahil sa tulong na ito, mas napalakas ang aming samahan at nagkaroon kami ng pag-asa para sa mas maayos na kinabukasan,” ani Edilberto Reyes, SLPA President.

Sa pamamagitan rin ng katas ng gatasan ng kalabaw ng SLPA, isa sa kanila ang nakapagpatayo na ng sariling bahay.

“Noong una, nag-aalinlangan ako. Sinong mag-aakala na sa pamamagitan ng pag-aalaga ng kalabaw ay makapagpagawa ako ng sarili kong bahay. Kaya maraming salamat pong muli sa PCC at DSWD FO 1 SLP sa tiwala at suporta sa aming asosasyon.”, ani Edilberto.

Bukod sa sariwang gatas, nagpo-proseso na rin ang SLPA ng mga flavored milk na naibebenta sa mga karatig na bayan at maging sa probinsya ng Cagayan. Dagdag pa rito, supplier din sila ng isang asosasyon na consolidator at nakikipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) para sa Milk Feeding Program ng naturang ahensya.

Noong nakaraang taon, nakapagtala ang asosasyon ng kabuoang kita na Php504,930.00 at inaasahang tataas pa ito ngayong taon sa pamamagitan ng mga karagdagang kalabaw na naibigay sa kanila.

Ang kwento ng Timpuyog de San Marcelino SLPA Inc. ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at dedikasyon ng mga program participants, ang ang matatag at sustenableng ay kayang maabot. At ang magandang kinabukasan para sa mga pamilyang nangangarap ay kayang maisakatuparan. (by DSWD FO 1- Ilocos Region)