Kaisa ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO 1) – Ilocos Region ang mga Lokal na Pamahalaan kagaya ng San Esteban, Ilocos Sur (IS) sa kagustuhan nilang malaman kung sinu-sino ang 176 na mahihirap na sambahayan na natukoy ng Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction sa kanilang nasasakupan.

Kamakailan ay ginanap ang turnover ceremony ng listahan ng mahihirap na sambahayan mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO 1) – Ilocos Region na pinapangunahan ng National Household Targeting Section (NHTS) sa Lokal na Pamahalaan ng San Esteban, Ilocos Sur na pinamumunuan ni Mayor Maria Divina Gracia Elaydo-Etalin, MD, MPA (pangalawa sa kanan).

“Atleast may basis na ang LGU (Local Government Unit) kasi dati wala pa so malaking katulungan ito para mas objectively naming makita ang mga poorest of the poor,” ani ni Mayor Maria Divina Gracia Elaydo-Etalin, MD, MPA.

Ang Data Sharing Agreement sa pagitan ng DSWD FO 1 at LGU San Esteban, IS ay naglalaman ng mga kondisyon na gagamitin ng Lokal na Pamahalaan ang datos na naibigay ng Listahanan para sa pagbibigay ng mga programa at serbisyo na makakatulong sa mga natukoy ng Listahanan na mahihirap na sambahayan.

Ayon kay San Esteban, IS Municipal Social Welfare and Development Officer Aileen Bautista-Pagunsan, bibigyan nila ng prayoridad na mabigyan ng tulong pinansyal ang mga Solo Parent at Persons with Disability (PWD) na mahihirap natukoy ng Listahanan. Tututukan din nila ang lahat ng 176 na sambahayan o katumbas ng 1,079 na indibidwal para malaman nila kung ano ang kanilang pangangailangan na maaaring maibigay ng LGU ng San Esteban.

Ang proyekto ng DSWD na Listahanan na nagbibigay ng mukha at lokasyon ng mga mahihirap na sambahayan na tinukoy sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan ay nananatiling batayan ng ahensya at iba pang ahensya ng gobyerno sa kanilang mga potensyal na benipisyaryo para sa mga programa na makakatulong sa mga nasa laylayan. (by: Jaymante Pearl B. Apilado – Social Marketing Unit / National Household Targeting Section)